O ang mga kaartehan ko sa buhay
Install Theme

Subterranean, by Eric Gamalinda →

fuckyeahfilipinopoets:

Let me be the first to say
that I know the name for everything
and if I don’t I’ll make them up:
dukkha, naufragio, talinhaga.
Just like the young
whose hearts give no shame,
I love the excesses of beauty,
there is never enough sunlight
in the world I will live in,
never enough…

Our trip to Dodiongan Falls, Iligan City! 

07.13.14

July 28, 2014

Commonwealth Avenue

For so long I have been holding on to this notion that people who constantly talk about their problems about love are people who need to get over themselves.

For so long I have been endorsing the idea that these problems, these “feels”, are so stupidly petty compared to, say, the vicious cycle of injustice in the Philippines. 

And while I still fervently believe that problems plaguing or country need to be addressed first before we dare delve into our personal issues, I admit that I’ve been terribly mistaken in thinking that romantic heartbreak is an easy thing to overcome. 

Because for so long I had put up walls and decided that pushing away the first thoughts of anything remotely related to love would do me good, and I had pushed too hard that I have forgotten how it was to feel. I was the selfish one.

Putangina, ang hirap palang magmahal at mawalan. O magmahal at magpakatanga. O magmahal at magpanggap na hindi mo siya mahal. Ang daming klaseng sakit na pwedeng maranasan. Nakakabaliw na sakit.

Tonight, I went beyond sympathy to empathy. For the first time in so long, I rediscovered the ways of hurting. 

07.13.14

Dodiongan Falls, Iligan City

"Hindi titino ang Pilipinas hangga’t nandirito ang mga Amerikano."

Lol humu-humans of pero yeaa may point si manong driver.

"Hindi titino ang Pilipinas hangga’t nandirito ang mga Amerikano."

Lol humu-humans of pero yeaa may point si manong driver.

Karga ng hangin ang katotohanan tungkol sa bansa natin. 
Sinisigaw niya ang mga sikretong lantad sa direksyon ng paglipad ng bandila - na ang Pilipinas ay atrasado, nakayuko, napapagitnaan ng mga rehas at taling hawak ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo.
Pero buhat rin ng hangin ang mas mahalagang katotohanan tungkol sa bansa natin. 
Binubulong niya ang kakahayahan nating mga Pilipinong tumiwalag sa hanay ng bulok na sistema. Hinihimok niya: pumiglas ka, Pilipinas, pumiglas ka sa mga rehas at taling sumusupil sa ‘yo, tumindig ka nang matuwid (tunay na matuwid) at lumaya ka mula sa tanikalang sumasakal sa leeg mo at sabihing, “Lalaban ako. May pag-asa pa.”
'Pagkat may pag-asa pa talaga.

Karga ng hangin ang katotohanan tungkol sa bansa natin. 

Sinisigaw niya ang mga sikretong lantad sa direksyon ng paglipad ng bandila - na ang Pilipinas ay atrasado, nakayuko, napapagitnaan ng mga rehas at taling hawak ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo.

Pero buhat rin ng hangin ang mas mahalagang katotohanan tungkol sa bansa natin. 

Binubulong niya ang kakahayahan nating mga Pilipinong tumiwalag sa hanay ng bulok na sistema. Hinihimok niya: pumiglas ka, Pilipinas, pumiglas ka sa mga rehas at taling sumusupil sa ‘yo, tumindig ka nang matuwid (tunay na matuwid) at lumaya ka mula sa tanikalang sumasakal sa leeg mo at sabihing, “Lalaban ako. May pag-asa pa.”

'Pagkat may pag-asa pa talaga.

Happy Birthday Baks! <3

Ayoko pa sanang magsulat ng mga ganitong klaseng post para sa birthday mo, isasakto ko sana sa June 2015 para sabay na ang birthday at graduation greetings, pero malay ba natin kung anu ano ang mga mangyayari mula ngayon hanggang sa susunod na taon, kaya eto baks, isang pagbibigay-pugay sa mahigit isang taon nating pagkakaibigan. He he he. He he he he he.

Hindi ko na maalala kung kailan talaga tayo naging close. ‘Di ako sigurado kung nangyari ‘yan nung nakahiga tayo ni Hill sa rooftop ng apartment mo at nanuod ng meteor shower. ‘Di ko rin alam kung naging tight tayo nung field trip natin sa Baler. 

May mga pictures pa ko non:

Madaling araw ng December 19, 2012.

Kumakanta tayo ng “As long as you love me” ng Backstreet Boys (ikaw lang pala). January 21, 2013.

Kilala kita bilang taong hindi pinalalampasan ang ni isang pagkakataong matingnan ang sarili sa salamin. “Every chance she gets” hahaha ‘di ba baks? Siguro napansin mo na rin sakin na lagi akong may handang camera, na sa isang click ay nahuhuli ko sa litrato ang mga (kadalasang) masasayang mga nangyari saten. 

Alalang-alala ko pa ang eventz sa mga pictures na ‘to:

January 26, 2013. Sa isang benefit gig sa Cubao. Naging instant official photographer ako dahil sa’yo at nakalibre tuloy sa entrance.

February 13, 2013. Roots. ‘Yun ang pinakamasayang UP Fair sa tatlong taon ko sa UP, dahil sa mga taong kasama ko.

April 25, 2013. Sa apartment mo. Nagperform tayo ng Gwiyomi bilang pagbati kay birthday girl Hillarie.

June 15, 2013 (or 16, madaling araw na ata ‘to). Apartment mo. One year ago today! 

July 18, 2013. CMC. 2nd place sa isang quiz show. Dahil sobrang naexcite tayo sa Dairy Queen GCs, dumerecho tayo sa Trinoma at umorder ng 16 oz. na ice cream. 

July 31, 2013. Maginhawa Street. Nagsushoot si Gerald Anderson sa background.

August 18, 2013. Antipolo. “Pantipolo” kasama si Chad at Dean. Pruweba ng pagka-kaladkarin natin.

August 23, 2013. Nagcover tayo ng LoveNot . Sa huling bahagi ng interactive play niyaya ng actors ang audience na tumalon sa pool. Basa ang mga buhok at damit natin sa picture na ‘to hindi dahil umulan nung gabing iyon, kundi dahil baliw lang tayo at masunurin masyado.

August 24, 2013. Ikot Jeep. Galing tayong org event. Walang tulog. Maaga tayong lumuwas galing Antipolo para makapasok sa 9am Saturday class natin. Isa ‘to sa mga Sabado na sinipag tayong pumasok. Pagdating natin sa Masscomm, wala si sir, walang class. Kaya bumalik tayo sa Antipolo haha. Pero baks, thanks for having my back in that class. ‘Di natin masurvive ‘yung class na ‘yun kung hindi sa friendship (at ibang friends) natin. #charnotchar!

October 6, 2013. “First adventure together” haha. Gamit ang diskarte at excuses (field trip daw hihihi), nakapag-shoot ako ng Baler Bitch Project at ikaw ng docu. Natatawa pa rin ako nung naalala mong magsagot ng SET na 11:59pm na tapos 12 mn ang deadline pero sinubukan mo pa rin. Syempre di ka na umabot kaya kumain ka na lang ng hotdog. 

October 8, 2013. Sa may KNL. Ito yung sinamahan niyo ako ni Tin sa UP Health Service kasi napaparanoid ako, akala ko talaga mamamatay ako sa pagkauntog ko sa bahay na tinuluyan natin sa Baler. Biogesic lang pala ang katapat non, at syempre mga kaibigan yeee.

October 31, 2013. The Collective. Sa CR natin kinuha to lol. Mula Makati pumunta tayong Novaliches sa bahay ng kaibigan ni Hill. Naglaro sa playground nang madaling araw. Umaga na tayo nakauwi. Pruweba na naman ng pagka-kaladkarin. 

November 9, 2013. Magihawa Street. Birthday ‘to ni Mon pero nasa Korya pa siya mga panahong ito. Tatakbo sana ako sa oval pero inambush niyo ako ni Noni at nauwi sa dinner. Pagkatapos natin kumain umakyat tayo sa rooftop ng apartment building (walang nakatira sa atin doon, enieni lang tayong umakyat na hindi nagpaalam) at shet ang ganda pala sa taas, may Christmas lights pa. Tas naabutan natin ‘tong fireworks. 

Dami mo ring headdresses na nalalaman ano.

'Yung huling picture ay sa Miss Tah-lac 2014. February 27. Sa isang bus terminal sa Tarlac.

February 28, 2014. Faculty Follies. University Theater. Enieni nagpunta tayo. Gusto lang natin manuod.

April 18, 2014. Intramuros. Ang masasabi ko lang ay ang macho mo dito.

Marami-rami na rin pala ang pinagsamahan natin baks. Marami tayong pictures para patunayan ‘yon. Pero sabi nga nila, may mga sandaling hindi nakukulong sa apat na sulok ng isang litrato, at ang mga sandaling ‘yon ang talagang nagpapatunay ng pagakaibigan natin. (chart)

Wala tayong picture nong humiga tayo sa gitna ng acad oval habang habang umuulan nang malakas. Enieni na lang tayong naligo na walang dalang extra na damit, kaya naman basa tayo sa shoot nong tumila na ang ulan. 

Wala tayong picture nong tinext kita ng madaling araw kasi ‘di ako makatulog dahil sa pinanuod kong dokyu tungkol sa Hacienda Luisita, kaya pumunta ako sa apartment mo.

Wala tayong picture nong pumasok ka sa boarding house ko at binigyan mo ako ng cupcake dahil sobrang sakit ng ulo ko non.

Wala tayong picture pagkatapos nong send-off ni Isay at nag-uwian na ang mga tao, at nag-usap lang tayo sa rooftop ng apartment mo. Lasing ka na non, may tama na rin ako, pero naaalala ko pa rin ang mga sinabi natin, at doon ko nalaman kung gaano ako kasuwerte at ikaw ang napili kong bisprun — isa sa bilang lang na taong binigyan ko ng karapatang pumasok sa mundo ko, ng karapatang saktan at wasakin ako. #charnotcharpart2 haha hay kainis

Wala tayong picture sa maraming beses nang naglakad tayo sa Maginhawa, Mapagkawanggawa, Magiting, at Malingap kasi ayaw muna nating umuwi. Sa maraming beses na nag-usap offline at offline tungkol sa mga isyu natin sa buhay. Sa maraming beses na inalalayan mo ako ‘pag senglot na ako. Sa isang beses na ikaw naman ang senglot at kinaladkad ka namin ni Norwin papuntang kwarto natin kasi bumagsak ka na sa sahig. Sa maraming beses na napagkamalan at natanong kung tayo ba. (Hindi talaga.)

Hindi ko na maalala kung kailan nangyari ‘tong mga ‘to. Walang picture, walang petsa. Ang naaalala ko lang ay ang lugar (kung saan saan), ang emosyon (masaya, malungkot, laging gutom), at ang mga tao (ikaw at ako). 

Salamat sa lahat baks. Hindi na tayo madalas nagkikita no? 

Last na, isang picture na nakuha ko sa Facebook:

Miss you baks! Hahahaha yak ang haba na nito sige titigil na ako.